Pangalawa sa araw na ito

(Siguro naiinggit ako kay Jonar, dahil napakagaling niya sa lengguwahe. O dahil higit na masarap na pakinggan ang pagdanas sa Tagalog.)

Hindi ko alam kung bakit ako nagsasayang ng panahon na pag-isipan ang mga pinagsasabi ng mga tao, kung alam ko naman na karamihan sa kanila ay sopistang nagmamarunong at di dapat pinapansin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko binababa ang sarili ko sa kanilang lebel gayung higit na nauudlot ang aking edukasyon sa pagpapanggap na ako’y tulad nila habang pinipilit kong makisalamuha sa kanilang kababawan.

Siguro minsan humihina rin ako tulad ng lahat, kaya’t nalilimutan ko na wala akong alam at di ko kayang hawakan ang lahat ng nangyayari (kahit sa buhay ko lamang). Minsan mas maigi nang umatras at panoorin ang lahat… maghintay. At magdesisyon sa tamang panahon kapag napagmunimunihan ang mga bagay-bagay.

Nakakalungkot isipin na may mga nilalang na mahilig takasan ang kanilang mga responsibilidad. Napakadaling paglaruan ang isang tao, lalo na kung siya’y nakakalimot. Dinadanas ang pagkakamali, pinagpupulutan ng aral–na magagawa lamang kung lubos na natanggap ang sinasabing pagkakamali. Sa pagnanais kong matuto, ako’y naging parang isang tekne na nagpanggap bilang pilosopo (mabuhay si Socrates!). Masakit ang katotohanan, kahit na hindi pa ito nalalaman. Ngunit walang napupuntahan ang galit na hindi pinag-iisipan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: